Konstruksyon ng Subic Freeport Expressway expansion project, sisimulan na

Inquirer file photo

Nakatakda nang simulan ang konstruksyon ng Subic Freeport Expressway (SFEx) Capacity Expansion Project.

Isinagawa ang groundbreaking ceremony kasama ang ilang opisyal ng North Luzon Expressway Corporation, araw ng Huwebes.

Layon ng proyekto na mapaigsi ang biyahe mula Hermosa, Bataan hanggang Subic Bay Freeport Zone at pabalik nang 10 minuto.

Tinatayang aabot sa P1.6 bilyon ang halaga ng naturang proyekto.

Kabilang sa konstruksyon ang karagdagang dalawang expressway lane, dalawang tulay at tunnel.

Read more...