PNP, nagkaroon ng balasahan

Nagkaroon ng balasahan sa ilang posisyon sa Philippine National Police (PNP).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Police Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, na nasa anim na pwesto ang mababalasa dahil sa pagreretiro ng ilang opisyal.

Inirekomenda aniya ang balasahan ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board.

Epektibo ang bagong appointment sa mga opisyal, araw ng Huwebes.

Kabilang sa mga opisyal na itinalaga sa bagong posisyon ay sina Police Brig Gen. Joselito Esquivel Jr., Gilberto Cruz at Alfred Corpus.

Bilang dating hepe ng Quezon City Police District (QCPD), itinalaga na ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde si Police Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr. bilang bagong Police Regional Office 13 regional director.

Mula naman sa pagiging regional director ng Caraga Police, nailipat si Police Brig. Gilberto Cruz bilang Integrated Police Operations sa Northern Luzon.

Inilagay naman si Police Brig. Gen. Alfred Corpus bilang Police Regional Office 12 regional director.

Samantala, narito ang iba pang opisyal na nagkaroon ng bagong pwesto sa PNP:
– P/Brig. Gen. Omega Jireh Fidel bilang director ng PNP Engineering Service
– P/Brig. Gen. Rey Lyndon Lawas bilang director ng Training Service
– P/Col. Ronnie Montejo bilang Acting District Director ng QCPD

Read more...