Higit P3M halaga ng shabu, nasabat sa Taguig City

Nakuha ang mahigit P3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City.

Ayon kay PDEA special enforcement service director Levi Ortiz, nasamsam ang ilegal na droga sa dalawang tulak ng droga sa harap ng Saint Joseph Chapel sa Barangay Ususan bandang 5:30, Miyerkules ng hapon.

Nasa kalahating kilo ng shabu ang nakuha sa mga suspek na may kabuuang halaga na P3.4 milyon.

Nakilala ang mga suspek na sina Aijo Dinglasan Akaoka, 23-anyos, at Christian Reyes Aguilar, 41-anyos.

Narekober din mula sa mga suspek ang motorsiklo, dalawang cellphone, ilang ID at P1,000 na buy-bust money.

Dinala naman ang ilegal na droga sa laboratoryo ng PDEA para gagawing pagsusuri.

Inihahanda na rin ang mga kasong isasampa laban sa dalawa.

Read more...