Ito ay kung hindi mapagbibigyan ang kanilang kahilingan na salary increase.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Alliance of the Concerned Teacher (ACT) chairperson Joselyn Martines, isasagawa ang planong tigil-pagtuturo sa October 5, 2019 kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day.
Inihayag nito na maaari nila itong gawin sa buong bansa.
Sa ngayon, ani Martines, nakikipag-usap na sila sa mga guro mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Aniya, ang mga guro sa National Capital Region (NCR) ay tiyak nang makikiisa sa posibleng tigil-pagtuturo ng mga guro.
Hinihiling ng mga guro na maging P16,000 ang salary grade 1, P30,000 para sa teacher 1 at P31,000 naman para Instructor 1.
Magugunitang aprubado ang P551.72 bilyong pondo ng Department of Education (DepEd) para sa taong 2020.
Ani Martines, hindi kasama sa nasabing pondo ang dagdag na sahod para sa mga guro sa bansa.