Bagong manual para sa LGU disaster preparedness, inilunsad ng DILG

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pinakabagong manual kaugnay sa disaster preparedness para sa mga local government unit (LGU).

Ayon kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, ang manual ay tinawag na “Operation Listo Manual” at naglalaman ito ng mga checklist na dapat gawin ng mga LGU sa panahon ng sakuna.

Aniya, napapanahon ito dahil halos sunod-sunod na ang mga bagyong pumapasok sa bansa.

Pahayag pa nito na makatutulong ang nasabing manual dahil mayroong susundan ang mga opisyal ng LGU na step-by-step procedure bago mangyari, habang nangyayari at pagkatapos mangyari ang kalamidad.

Kailangan din aniyang siguraduhin ng mga local chief executive na handa at alisto ang kanilang lugar kapag may sakuna.

Ang “Operation Listo Manual” ay isang national advocacy program ng DILG para sa disaster preparedness para palakasin ang kakayanan ng mga LGU ng bansa sa pagresponde laban sa lahat ng uri ng sakuna.

Read more...