Arbitral ruling, hindi babalewalain ni Pangulong Duterte

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi babalewalain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) noong 2016 na hindi kinikilalala ang nine dash claim ng China sa South China Sea.

Pahayag ito ng Palasyo matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang isantabi ang PCA ruling para matuloy lamang ang joint exploration deal sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, patuloy na aayusin ng Pilipinas at China ang gulo sa South China Sea sa pamamagitan ng mapayapang pag-uusap.

Paglilinaw ni Panelo, habang hindi pa nagkakasundo ang Pilipinas at China sa arbitral ruling, mas makabubuting talakayin na lamang ang ibang concern na higit na makabubuti sa dalawang bansa.

Read more...