LOOK: Mga kanseladong biyahe sa NAIA ngayong Huwebes, nadagdagan pa

Photo grab from Ninoy Aquino International Airport MIAA’s Facebook page

(Updated) Nadagdagan pa ang bilang ng mga kinanselang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Huwebes (September 12).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod pa rin ng masamang lagay ng panahon sa pupuntahang destinasyon.

Sa NAIA Terminal 3, kinansela na rin ang biyaheng:
Cebu Pacific
5J 887 at 888 na biyaheng Manila – Cotabato – Manila

Nauna namang kinansela ang mga sumusunod:
– 5J 513 at 514 na biyaheng Manila – San Jose – Manila
– 5J 196 at 197 na biyaheng Manila – Cauayan – Manila
– PAL Express flight 2P 2557 at 2558 na biyaheng Manila – Dipolog – Manila

Pinayuhan ang mga apektadong residente na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.

Read more...