AFP nagsumite na ng shortlist kay Pangulong Duterte para sa magiging susunod na AFP chief

Nagsumite na ng shortlist sa Office of the President ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa magiging susunod na chief of staff.

Ayon kay military spokesman Brigadier General Edgard Arevalo, sa Sept. 24 magaganap ang change of command sa AFP.

Ang shortlist ay pinili ng Board of Generals at naisumite na ito sa Malakanyang.

Hindi naman na inihayag ni Arevalo ang detalye at kung sinu-sino ang nakasulat sa shortlist.

Pero ani Arevalo lahat ng nasa shortlist ay three star generals.

Read more...