Kakai Bautista rumampa sa Europa

Masayang rumampa ang aktres na si Kakai Bautista sa Europa.

Gamit ang kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Kakai ang mga larawan sa pag-iikot sa ilang kilalang lugar sa Paris at London.

Ilan sa mga pinuntahan ng aktres ang Musee de Louvre, Jardin des Tuileries, Tour Eiffel, Abbey Road sa London at iba pa.

Si Kakai ay bahagi ng matagumpay na pelikulang “Hello Love Goodbye” kasama sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang nasabing pelikula ay itinuring bilang highest grossing movie of all time sa Pilipinas matapos kumita ng mahigit 880 million pesos.

Read more...