3 opisyal ng BuCor pinatawan ng contempt ng Senado dahil sa pagsisinungaling

Inquirer file photo
Ipinag-utos ng senate committee on justice and human rights na makulong ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay makaraang i-cite for contempt ng senado ang tatlo dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig.

Kabilang sa pinatawan ng contempt sina Bilibid Hospital Technical Chief Inspector Ursicio Cenas, na isang doktor; BuCor legal chief Fredric Santos; at BuCor documents and records chief Ramoncito Roque.

Ayon kay Senator Richard Gordon, ang tatlo ay ikukulong hangga’t hindi sila makapagbibigay ng kapani-paniwalang paliwanag.

Read more...