Dating convict isinalaysay sa senado ang pagkakasangkot sa korapsyon ng duktor sa Bilibid

Radyo Inquirer Photo / Fritz Michael Sales
Inakusahan ng isang dating convict ang isang doktor sa New Bilibid Prison (NBP) na sangkot umano sa korupsyon sa ahensya.

Sa pagdinig sa Senado, inihayag ni dating Valencia City Mayor Jose Galario, dating convict, na tumatanggap umano ng pera si NBP medical officer Ursicio Cenas kapalit ng medical records.

Aniya, ilang beses siyang personal na nakapagbigay ng P1,000 kay Cenas para sa medical abstract at certificate matapos ang kaniyang operasyon.

Mahigit isang buwan aniya niyang hindi nakuha ang medical record.

Ngunit, ani Galario, may nagsabi sa kaniya na kailangang magbigay ng pera at nang magbigay siya ng pera, agad dumating ang kaniyang medical abstract.

Sinabi pa ni Galario na kinukuha niya ang pera at inilalagay sa kaniyang drawer.

Isa si Cenas sa mga dumalo sa pagdinig ng Senate committee on justice ukol sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law at umano’y korupsyon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Read more...