Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay kung papayag ang pamahalaan ng The Netherlands.
Una rito, humingi na ng tulong ang Philippine National Police (PNP) sa International Criminal Police Cooperation Interpol para maaresto si Sison matapos magpalabas ng warrant of arrest ng Manila Court dahil sa Inopacan Massacre noong 1980.
Ayon kay Panelo, dapat na harapin ni Sison ang kanyang mga kaso sa bansa lalo’t nabigyan naman siya ng pagkakataon na maidepensa ang kanyang sarili.
Payo pa ni Panelo kay Sison, dapat na itong kumawala sa kanyang ilusyon na mapatatalasik na siya sa puwesto.
Mahigit sa 50 taon na aniyang nakikipaglaban si Sison sa pamahalaan subalit wala namang nangyayari.
Una rito, sinabi ni Sison na hindi siya maaring ma-extradite o mapauwi ng Pilipinas kahit na humingi pa ng tulong ang PNP sa Interpol dahil sa mayroon siyang absolute protection sa United Nation’s Refugee Convention and the European Convention on Human Rights.
Pero ayon kay Panelo, moot and academic na ang mga pahayag ni Sison dahil mayroon na siyang warrant of arrest sa Pilipinas.