Dating Gov. Amado Espina nakatatanggap na ng death threat

Nakatanggap si dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr. ng banta sa kaniyang buhay bago ang pananambang sa kanilang grupo.

Sa isang press briefing, sinabi ni Col. Rederico Maranan, direktor ng Pangasinan Police Provincial Office, nakatanggap sila ng liham mula kay Espino ukol sa natatanggap nitong death threats.

Sa pamamagitan ng liham, humiling aniya si Espino sa pulisya ng temporary security noong nakaraang linggo.

Agad naman aniyang binigyan ng seguridad si Espino nang matanggap ang liham.

Samantala, sinabi ni Maranan na patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa pamamaril.

Sa ngayon, wala pa aniyang maibibigay na posibleng motibo sa krimen hangga’t hindi pa kumpleto ang mga nakakalap na ebidensya.

Read more...