Online Lending Apps nais pag-aralan ni Deputy Speaker Romero

Nais pag-aralan ni Deputy Speaker Mikee Romero ang nauusong online lending apps ngayon.

Ayon kay Romero, iligal at colorum ang mga online lending apps dahil hindi ito sanctioned at registered sa ilalim ng Security and Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Aminado ito na walang ‘choice’ ang mga mahihirap na Pilipino kundi pasukin ang mga pautang sa online dahil mas mabilis at walang limit ang pangungutang.

Sinabi nito na nais niyang malaman kung papaano makontrol at maregulate ng gobyerno ang mga online lending apps upang hindi na maabuso ang maraming Pilipino.

Pahayag ito ng mambabatas kasunod ng mga napaulat na pamamahiya at pananakot ng mga online lending apps sa kanilang mga kliyente na hindi nakakabayad agad sa kanilang mga utang.

Read more...