Makabayan Bloc rumesbak kay Sen. Bato kaugnay sa red-tagging

Bumuwelta ang Makabayan bloc sa Kamara kay Senador Ronald Dela Rosa matapos nitong ipanawagan sa Comelec na kanselahin ang registration ng mga partylist na sinasabing sumusuporta sa rebeldeng komunista.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, sobra na si Dela Rosa sa ginagawang red-tagging sa kanila nang wala namang sapat na patunay.

Ginagamit anya ng senador ang kanyang posisyon at lantarang sinasagasaan ang independence ng Comelec.

Kinantyawan naman ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro si Dela Rosa na wala pang napatutunayan sa loob at labas ng Senado.

Sa panig nina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Kabataan Rep. Sarah Elago, pinagsabihan ng mga ito si Dela Rosa na magpaliwanag na lang tungkol sa isyu ng GCTA for sale at sa naging papel nito sa pagpapalaya ng 120 convicts noong siya pa ang BuCor chief.

Read more...