PNP inatasan ni Pangulong Duterte na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pananambang kay dating Gov. Espino

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang pananambang kahapon kay dating Pangasinan Governor at dating Congressman Amado Espino Jr. sa Barangay Magtaking, San Carlos City.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Pagtitiyak ni Panelo, walang puwang sa lipunan ang nangyaring tangkang pagpatay sa kongresista.

Isa ang patay sa insidente na nakilalang si PO3 Richard Esguerra na sinasabing aide ni Espino.

Sa ngayon ay stable na ang kondisyon ng dating kongresista na dating naisama sa narco-list pero tinanggal din matapos na maberepikang hindi ito dapat na makabilang sa drug list.

Read more...