Sa kaniyang pagharap sa senate hearing, sinabi ni Ragos na maraming iba’t ibang uri ng korapsyon at money-making schemes ang nangyayari sa piitan.
Ani Ragos, nakapagpapasok at nakapagpapa-overnight ng “Tilapia” ang mga high-profile inmate sa Bilibid.
Ang “Tilapia” ay code name na ginagamit na ang ibig sabihin ay “babae”.
Ani Ragos, ang mga high-profile inmate ay nagbabayad ng P30,000 sa bawat babaeng ipinapasok at pinagpag-overnight sa Bilibid.
Ang mga babaeng ipinapasok ay kalaunan nagiging girlfriend o asawa ng mga preso.
Isa pang pinakakakitaan sa Bilibid ayon kay Ragos ay kidnapping.
Kwento ni Ragos ang mga asawa o kasintahan ng mga preso ay dudukutin at sangkot sa pagdukot ang ilang mga dating pulis.
Sa loob aniya ng Bilibid magaganap ang negosasyon at kapag nakabayad ng P200,000 ay saka lang palalayain ang biktima.