Pitong Chinese nationals na sangkot sa illegal dredging operations sa Zambales inaresto

Inaresto ang pitong Chinese nationals na sa Zambales na sangkot umano sa illegal dredging operations sa bayan ng Masinloc.

Kinilala ni Police Maj. Jude Bryan Maguddayao, acting police chief sa Masinloc ang mga naarestong dayuhan na sina Shao Shao Chen, Shinu Chen, Xie Yu Hong, Xiu Xiansheng, Zhao Yihung, Gong Yaan, at Jiang Xin.

Dinakip ang mga dayuhan sa loob ng isang warrior dredging vessel at isang sand carrier vessel na naka-angkla sa pier.

Natuklasang walang visa at working permits ang mga dayuhan.

Nakatakda silang i-turnover sa Bureau of Immigration.

Read more...