Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Atty. Fredric Santos na “nababayaran lahat” sa BuCor.
Si Santos ay isa sa mga opisyal ng BuCor na pinatawan ng suspensyon ng Office of the Ombudsman.
Kabilang sa inihalimbawa ni Santos ang pagpapabaya sa mga preso na mag-inuman o gumamit ng cellphone.
Sa halip na ireklamo ang inmate na mahuhuli, kukuhanin na lang ng prison guard ang cellphone.
Bilang pasasalamat, bibigyan naman ng preso ang prison guard ng P500 o P1,000.
Ayon kay Santos, 23 taon na siya sa BuCor.
Dagdag pa ni Santos ang halaga na ibinibigay para makapagpasok ng cellphone ang isang bilanggo ay depende sa kaniyang “standing”.