Pamilya Espino nakiramay sa pamilya ng nasawing bodyguard ni dating Gov. Armando Espino Jr.

Nakiramay ang pamilya Espino sa mga naulila ng bodyguard ni dating Gov. Armando Espino Jr., na nasawi sa pananambang.

Sa pahayag na ibinahagi sa Facebok page ng Provincial Government ng Pangasinan, mariing kinondena ang tangkang pagpatay sa dating gobernador at dating kongresista.

Ipinaabot din ang pakikiramay sa mga naulila ni Police Staff Sergeant Richard Esguerra ang bodyguard ni Espino na nasawi sa ambush.

Ang iba pang kasama sa convoy ay kasalukuyang ginagamot at nagpapagaling kasama si Espino sa isang ospital.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng pamilya Espino ang resulta ng masusing imbestigasyon na ginagawa ng mga otoridad.

Tiniyak din ng provincial government na mananagot ang nasa likod ng pangyayari.

Si Espino ay nakaligtas sa nasabing pananambang habang nasawi ang isa niyang bodyguard at sugatan ang iba pa.

Read more...