Mga sumukong preso na napalaya dahil sa GCTA umabot na sa 281 – PNP

Inquirer file photo

Umakyat na sa 281 ang kabuuang bilang ng mga presong sumuko makaraan silang makalaya dahil sa GCTA law.

Sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP), alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes Sept. 12 ay 281 na ang sumukong preso sa iba’t ibang police office sa bansa.

Sa nasabing bilang, 93 bilanggo ang may kasong murder; 93 din ang may kasong rape; 26 ang robbery with homicide; 14 ang homicide; 11 ang rape with homicide; 11 din ang kasong may kaugnayan sa drugs; 10 ang murder and frustrated murder; 6 ang robbery with rape; 4 ang parricide; 3 ang frustrated homicide; 2 ang kidnapping; 2 rin ang murder and robbery at tig-iisa ang may kasong kidnapping with murder, gunban, rape and arson, attempted rape with homide, carnapping, at robbery.

Pinakaraming sumuko sa Police Regional Office 4B na umabot sa 38 preso.

Ang nasabing datos ng PNP ay mula Sept 4 hanggang Sept. 12 ng umaga ng umaga.

Read more...