Presyo ng manok bahagyang tumaas dahil sa mataas na demand

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na nagmahal ang presyo ng manok sa mga pamilihan.

Ito ay dahil sa mas dumami o tumaas ang demand sa manok dahil umiiwas ang publiko sa pagbili ng pork products bunsod ng African Swine Fever scare.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez sa pinakahuling monitoring nila ay nasa P150 ang halaga ng kada kilo ng manok.

Hinimok naman ni Lopez ang publiko na maghanap ng alternatibong pamilihan kung sa tingin nila ay masyadong mataas ang halaga ng manok sa dati na nilang binibilhan.

Normal kasi ani Lopez na tumaas talaga ang halaga ng produkto kapag tumataas ang demand lalo na kung kahit mataas ang presyo ay tinatangkilik ng mga mamimili.

Read more...