Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat ay maging sensitibo ang mga mambabatas sa pagbalangkas sa national budget.
Ayon kay Recto dapat ay ikunsidera ang epekto ng mga kalamidad sa katuwiran na maaring maapektuhan ang pondo ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Ayon pa sa senador kadalasan kapag may nanalasang kalamidad malaki ang kailangan gastusin sa mga sektor ng imprastraktura, kalusugan at agrikultura.
Dagdag pa ng senador maging ang mga kalamidad na hindi idininulot ng kalikasan ay nagdudulot din ng biglaaang malaking gastos.
Binanggit nito African Swine Fever (ASF) sa mga baboy, ang dengue epidemic, ang posibleng pagbalik ng polio virus at maging ang mababang halaga ng palay.
Makakabuti aniya na pag aralan na kung saan dapat maglaan ng dagdag na pondo para sa mga hindi inaasahang pangyayari na mangangailangan ng malaking halaga.