Maraming barangay sa Maynila at Makati magdamag na mawawalan ng suplay ng tubig

May magdamagang water service interruption ang Manila Water sa maraming mga barangay sa Maynila at Makati.

Ito ay dahil sa isasagawang leak repair ng Manila Water sa M. Roxas Street sa Sta. Ana, Maynila.

Magsisimula ang interruption alas 9:00 ng gabi ng Huwebes, Sept. 12 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, Sept. 13.

Apektado ang sumusunod na mga barangay:

STA. ANA at SAN ANDRES, MAYNILA
– Brgys. 763 to 820
– Brgy. 866
– Brgy. 869
– Brgys. 873 to 891

MAKATI
– Brgy. Kasilawan
– Brgy. Tejeros
– Brgy. Carmona
– Brgy. Singkamas
– Brgy. Olympia
– Brgy. Velenzuela
– Brgy. Poblacion
– Brgy. Sta. Cruz

Payo ng Manila Water sa mga residente, mag-ipon ng sapat na tubig na kakailanganin para sa nasabing oras.

Read more...