Metro Manila, mga kalapit na lalawigan makararanas ng pag-ulan

Uulanin sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ong PAGASA, dahil sa trough o buntot ng tropical depression na nasa labas pa ng bansa, makararanas ng light to moderate na pag-ulan sa Metro Manila, Rizal at Cavite.

Ganitong lagay ng panahon naman na ang nararanasan sa Quezon, Laguna at Batangas.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga kung sakaling magpapatuloy pa ang nararanasang pag-ulan.

Read more...