Concrete barriers sa Katipunan Ave., sa QC inararo ng dump truck

Isang dump truck ang naaksidente sa northbound lane ng Katipunan Avenue sa Quezon City.

Inararo ng truck ang mga concrete barrier sa nasabing kalsada sa harap lamang ng Ateneo De Manila University.

Nasagasaan din ang bahagi ng bakod ng unibersidad malapit sa Gate 2.

Nangyari ang aksidente bago mag-alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Sept. 12 at nagdulot ito ng labis na pagsisikip sa daloy ng traffic.

Ayon sa rumespondeng traffic enforcer, umidlip umano ang driver ng dump truck at ang pahinante nito ang nagmaneho muna ng truck nang mangyari ang aksidente.

Wala namang nasugatan sa aksidente.

Read more...