Water level ng Angat dam sumampa na sa 185-meter level

Sumampa na sa 185-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Sept. 12 ay nasa 185.12 meters na ang water level ng Angat.

Tumaas pa ito kumpara sa 184.93 meters kahapon.

Samantala, nadagdagan din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, at Pantabangan dams.

Habang nabawasan ang water level ng Ambuklao, Magat at Caliraya.

Read more...