Kalahating milyong face masks ang ipinamahagi ng Malaysian government sa gitna ng malawakang forest fires sa Indonesia.
Ang usok mula sa mga sunog sa kagubatan sa Indonesia ay umaabot na sa Malaysia at sa Singapore.
Nasa ‘unhealhty levels’ na ang kalidad ng hangin sa dalawang bansa dahil sa usok.
Sa nagdaan mga linggo, naitala ang forest fires sa Sumatra at Kalimantan regions kung saan umabot na sa higit 930,000 ektarya ng lupain ang nasunog.
Ayon sa Indonesian media, daan-daang residente na ang inilikas at higit 9,000 personnel na ang sumusubok na apulahin ang forest fires.
Sinasabing ang mga apoy ay nagsimula sa pagsunog ng mga magsasaka sa kagubatan upang gawing lupang pansakahan.
Samantala, sa press statement ni Indonesian Environmental Affairs and Forestry Minister Siti Nurbaya Bakar nanawagan ito sa Malaysia na maging ‘transparent’ sa sitwasyon.
Iginiit ng opisyal na hindi lahat ng usok ay mula sa Indonesia at mayroon din umanong sariling forest fires ang Malaysia.