Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,645 kilometro Silangan ng Central Luzon.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Kung hindi magbabago ang kilos ng bagyo, papasok na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang hapon o gabi at papangalanang “Marilyn”.
Hindi inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo ngunit pinayuhan ang publiko na magmonitor sa lagay ng bagyo dahil posible pang magbago ang forecast track nito.
Samantala, dahil sa trough o extension ng bagyo makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Zamboanga Peninsula, Aurora, Quirino, Isabela, at Cagayan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thundestorms.