Sen. Go: BuCor dapat pamunuan ng ‘killer’

Inihayag ni Senator Bong Go na dismayado na si Pangulong Rodrigo Duterte sa umanoy iregularidad sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Go, isang dati o retiradong opisyal ng militar o pulisya ang pinag-aaralan ng pangulo na sunod na mamuno sa BuCor kapalit ng dating pinuno na si Nicanor Faeldon.

Sinibak ng pangulo si Faeldon dahil sa pagsuway nito sa kanyang utos kaugnay ng paglaya ng mga convicts ng heinous crimes.

“Exasperated na po ang Pangulo dito sa BuCor na ito. Naghahanap siya ng mamumuno ng BuCor, maaring naghahanap siya ng dating militar, dating pulis o retired,” ani Go.

Kung siya naman ang magrerekomenda, nais ni Go na isang “killer” ang mamuno sa BuCor.

Tumanggi ang senador na idetalye kung ano ang ibig bitong sabihin sa “killer” pero mayroon na umano itong naisip na tao.

Dagdag ni Go, kahit galing sa militar o pulisya basta isang killer ang gusto niyang mamuno sa ahensya.

 

Read more...