Nabatid na ito ang maituturing na pinakamataas na attendance sa kasaysayan ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na pagpapatunay lang ito ng dedikasyon sa trabaho at pagmamahal sa bayan ng kanyang mga kapwa mambabatas.
Nagpahayag din ng paghanga si House Deputy Speaker Neptali Gonzales II sa kanyang mga kasamahan dahil sa mataas na attendance record.
“I have been a member of several Congresses, and I am truly elated by the record attendance of House Members of the 18th Congress led by Speaker Cayetano. The high attendance of our colleagues reflects their discipline, hard work, deep passion and great interest to serve the people,” ani Gonzales.
Binanggit din nito na may mga non-working holidays na nag-trabaho sila at maski sa paggunita ng Eid al-Adha noong Agosto 13 ay 266 na mga kongresista ang nasa roll call.
Ayon kay Gonzales, ang kredito ay ibinibigay nila kay Cayetano.
“He is a working Speaker, administratively and legislatively. He is very hands on. He makes sure that all committees, especially the important and big ones, are handled by qualified House members,” pahayag ng kongresista.