Bukidnon at Zambales niyanig ng M3.1 na lindol

Naitala ang magnitude 3.1 na lindol sa Bukidnon alas 9:28 Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa bayan ng Kalilangan.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 2 kilometro.

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian at aftershocks bunsod ng lindol.

Samantala dakong 9:59 ng gabi, parehong magnitude ang naitala sa Antonio, Zambales.

May lalim na 22 kilometro ang lindol na tectonic din ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Olongapo City.

Wala ring inaasahang aftershocks at naiulat na pinsala dahil sa insidente.

 

Read more...