Paglalagay ng dashcam sa mga sasakyan isinulong sa Kamara

Itinulak sa Kamara ang isang panukala na maglagay ng dashcam sa lahat ng uri ng mga sasakyan.

Sa ilalim ng House Bill 4475 o ang Motor Vehicle Digital and Electronic Recording Systems For Road Safety And Security Act na inihain ni Iligan City Rep. Frederick Siao , oobligahin na ang mga may-ari ng sasakyan, pribado man o public utility vehicles at maging ang mga motorsiklo at tricycle na maglagay ng camera.

Sa mga pampublikong sasakyan, bukod sa dashcam ay pinalalagyan din ng digital camera sa loob upang makita kung ano ang nangyayari sa mga pasahero.

Samantala, sa mga may motorsiklo naman ay pinakakabit sa mga helmet o sa harap ng kanilang motor ang digital camera.

Binibigyan naman ng tatlong taon ang mga may-ari ng mga sasakyan na gawin ang paglalagay ng camera sa kanilang mga sasakyan.

Layunin ng panukala na matiyak ang proteksyon ng publiko at maging patas sa mga sumusunod sa batas trapiko.

 

Read more...