Kasunod ito ng pag-apruba sa House Bill 304 o ang “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act” (PIFITA) at House Bill 300 o “Amendment of the Foreign Investments Act (FIA).”
Layunin ng mga panukala na gawing madali at simple ang pagkolekta ng buwis ng gobyerno sa ilalim ng PIFITA habang luluwagan naman ang restrictions sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa ilalim ng pag-amyenda sa FIA.
Ayon kay Salceda, sa oras na maging ganap na batas ang mga ito ay magiging daan para makakolekta ng malaking buwis ang gobyerno, mas makaakit ng magandang kapital at mamumuhunan sa bansa, mapondohan ang mga itatayong imprastraktura, makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino gayundin ang mas mapalakas ang inclusive at patuloy na paglaki ng ekonomiya.
Sinabi naman ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na kinakatawan ng PIFITA bill ang Fourth Package ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng administrasyon habang ang Amendment ng FIA bill ay kabilang sa mga lehislatibong prayoridad ng Kongreso.