Bagyong nasa labas ng bansa lumakas pa, papasok sa PAR sa susunod na mga oras ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang tropical depression ay huling namataan sa 1,495 kilometers east ng Visayas.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong East Northeast.

Inaasahang papasok sa bansa ng bagyo sa susunod na 48 oras.

Papangalanan itong “Marilyn” sa sandaling pumasok ito ng bansa.

Ayon sa PAGASA dahil sa trough o buntot ng LPA at dahil sa Habagat ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na ulan sa Mindoro, Romblon, Marinduque, northern portion ng Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Island, Visayas at Bicol Region.

Read more...