Smuggled na sibuyas, carrots at broccoli galing China na aabot sa P53M ang halaga nakumpiska ng BOC

Aabot sa P53 milyon halaga ng mga smuggled na sibuyas at carrots mula China ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC).

Lumalabas na ang Shinerise Trading Service ang consignee sa naturang smuggled goods na nakalagay sa 16 na container van.

Nakapasok sa bansa ang karganento noong August 8 at idineklarang mga fishballs ang laman.

Dahil sa paglabag sa Section 1400 at Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act o Misdeclaration, misclassification at Undervaluation ng kargamento agad na naglabas ang BOC Warrant of Seizure and Detention para kumpiskahin ang naturang mga kontrabando.

Nang buksan nabatid na pawang mga carrots na nagkakahalaga ng P20 million, sibuyas na nagkakahalaga ng P20 million, brococoli na may estimated value na P10.040 million at P2.5 million na halaga ng patatas ang laman ng kargamento.

Agad nang kinasela ng BOC ang ccredation ng consignee nitong Shinerise Trading.

Read more...