DICT Sec. Gringo Honasan kumpirmado na sa Commission on Appointments

Walang hirap na nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gringo Honasan.

Ito ay ilang sandali lamang matapos na aprubahan ng Committee on Information and Communication Technology ang rekomendasyon para sa appointment ni Honasan.

Si Honasan na dati ring opisyal ng Philippine Army ay itinalaga ni Pangulong Duterte sa DICT matapos ang tatlong termino bilang senador.

Read more...