Umakyat na sa 230 ang kabuuang bilang ng mga presong sumuko makaraan silang makalaya dahil sa GCTA law.
Sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP), alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Sept. 11 ay 230 na ang sumukong preso sa iba’t ibang police office sa bansa,
Sa nasabing bilang, 77 bilanggo ang may kasong murder; 84 ang may kasonfg rape; 23 ang robbery with homicide; 11 ang homicide; 6 ang rape with homicide; 5 ang robbery with rape; 5 din ang kasong may kaugnayan sa drugs; 4 ang parricide; 4 ang murder and frustrated murder; 3 ang frustrated homicide; 2 ang kidnapping with murder; at tig-iisa ang may kasong murder and robbery, attempted rape, carnapping, robbery, rape and arson, kidnapping.
Pinakaraming sumuko sa Police Regional Office 2 na umabot sa 35 preso.
Tatlumpu’t lima mula sa 230 preso ay naiturn over na sa Bureau of Corrections (BuCor).