Antas ng tubig ng Angat dam umabot na sa halos 185-meter level

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 08:01 AM

Sumampa na sa halos 185-meter ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology alas 6:00 ng umaga ng Martes, Sept. 11 ay nasa 184.93 meters na ang water level ng Angat dam.

Nadagdagan pa ito kumpara sa 184.58 meters kahapon (Sept. 10) ng umaga.

Wala namang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na nasa 77.37 meters.

Habang nadagdagan naman ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 101.08 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Binga at Caliraya dams.

TAGS: Angat Dam, Ipo dam, la mesa dam, Pagasa, water level, Water supply, Angat Dam, Ipo dam, la mesa dam, Pagasa, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.