Sa tweet, sinabi ni Trump na hiniling niyang magbitiw sa pwesto si Bolton dahil sa makailang beses nilang hindi pagkakasundo sa mga polisiya.
Ayon kay Trump papangalanan niya ang kanyang susunod na national security adviser sa susunod na linggo.
“I informed John Bolton last night that his services are no longer needed at the White House. I disagreed strongly with many of his suggestions, as did others in the Administration, and therefore I asked John for his resignation, which was given to me this morning. I thank John very much for his service. I will be naming a new National Security Advisor next week.
Pero sa mga pahayag na ipinadala sa media, iginiit ni Bolton na ninais niyang magbitiw sa pwesto at magbibigay siya ng pahayag sa tamang panahon.
Si Bolton ay nagsilbi mula April 2018 ay ikatlo nang national security adviser ni Trump matapos sina Michael Flynn at HR McMaster.