Singaporean President Halimah Yacob, bumisita sa Davao City

Courtesy: President Halimah Yacob FB page

Bumisita si Singaporean President Halimah Yacob sa Davao City, Martes ng gabi.

Ito ay bahagi ng kanyang schedule habang nasa limang na araw na state visit sa Pilipinas.

Isang dinner reception ang inihanda nina Davao City Mayor Sara Duterte at Vice Mayor Sebastian Duterte sa Marco Polo Davao.

Kasama rin sa dinner ang asawa ni Yacob na si Mohamed Abdullah Alhabshee,

Ngayong umaga nakatakdang magkaroon ng dialogue session sa pagitan ni Yacob at mga kabataan ng Mindanao sa Ateneo de Davao University.

Ayon sa event organizers, nasa 100 kabataan ang lalahok kung saan pag-uusapan ang mga probisyon ng “Human Faternity” document, ‘Inter-faith dialogue’ at pagpapatibay sa bilateral relations ng Pilipinas at Singapore.

Bibisitahin din ng Singaporean President ang Philippine Eagle Foundation (PEF) Center sa Malagos.

Ito ang kauna-unahang beses na may state leader na bibisita sa PEF Center.

Matatandaang dalawang Philippine Eagles ang ipinahiram ng Pilipinas sa Singapore para sa isang 10-year loan program agreement na layong maprotektahan ang critically-endangered eagle.

Ang pagbisita ni Yacob sa bansa ay kasabay ng ika-50 anibersaryo ng diplomatic ties ng Singapore at Pilipinas.

 

Read more...