Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan, kasama na ang mga Barangay official na tulungan ang Philippine National Police (PNP) sa paghuli ng mga bilanggo na pinalabas ng dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año na kung may nalalaman ang mga lokal na opisyal sa mga nakalalayang bilanggo ng dahil sa GCTA sa kanilang nasasakupan ay ipagbigay alam agad sa mga otoridad.
Aniya, maaari rin nilang samahan na sumuko para matiyak ang siguridad at kaligtasan nila at hindi sila matakot.
Maliban sa mga lokal na pamahalaan, hinimok din ni Año ang publiko na tumulong sa mga otoridad para mag voluntary surrender ang mga nasabing bilanggo.
Paalala naman niya sa mga bilanggong pinalaya sa ilalim ng GCTA na sumuko bago matapos ang 15 araw na ibinigay na palugit pamahalaan.
Magugunita, ipinagutos ni Pangulong Duterte ang pagpapabalik sa kulungan ng tinatayang aabot sa 1,914 heinous crime convicts na nakalaya sa umano’y maling interpretasyon ng GCTA.