Pinuno ng Pasig River Rehabilitation Commission sinibak sa pwesto

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pwesto si Pasig River Rehabilitation Commission executive director Jose Antonio Goitia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may kaugnayan sa katiwalian ang pagsibak sa nasabing opisyal.

Dagdag pa ni Panelo, “We advise Mr. Goitia to turn over all official documents, papers and properties in his possession to the Office of the Deputy Executive Director for Finance and Administrative Services of the Commission.”

Sinabi pa ng opisyal na ang pagsibak kay Goitia ay patunay lamang na tuloy pa rin ang kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian.

Noong nakalipas na linggo ay inihayag ng Malacanang na ibinabalik na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng Pasig river.

Read more...