Mga sumunog sa printing plant ng Abante ipinahahanap ni Duterte

Inquirer photo

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagsunog sa printing press ng tabloid na Abante sa Paranaque City.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, mariing kinokondena ng Malacanang ang naturang insidente.

Sinabi pa ni Panelo na pinatitiyak ng pangulo sa PNP na mapapanagot sa batas ang mga responsable sa panununog.

Hindi aniya papayagan ng palasyo na mangyari ang naturang insidente sa sino mang miyembro ng ikaapat na estado ng bansa—ang media.

“We cannot allow this thing to happen against any member of the Fourth State. The President will certainly be directing a thorough investigation of this case and we will prosecute those behind this dastardly act”, ayon pa sa kalihim.

Matatandaang sinunog ng apat na suspek ang printing press ng abante kung saan dalawa sa mga empleyado nito ang nasugatan.

Read more...