Balik-kulungan na mga napalayang preso dahil sa GCTA umabot na sa 188

Umabot na sa 188 ang kabuaang bilang ng mga sumukong convicted criminal na sangkot sa mga karumal-dumal na krimen sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang press conference, sinabi ni PNP chief General Oscar Albayalde na ang nasabing bilang ay naitala hanggang alas diyes ng umaga ngayong araw ng Martes.

Kabilang aniya sa mga sumukong convicts ay may mga sumusunod na kaso:

– 64 kaso ng murder

– 62 kaso ng rape

– 21 kaso ng robbery with homicide

– 9 na kaso ng homicide

– 7 na kaso ng rape with homicide

Samanatala, sinabi ni Albayalde na nasa 27 preso na nailipat ng PNP sa Bureau of Corrections (BuCor).

Matatandaang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit dalawang libong napalayang convict ng labing-araw na ultimatum para sumuko sa mga otoridad.

Maagang napalaya ang mga convict sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Read more...