Ayon kay Hataman, mangangailangan ng P338.3 Million na alokasyon para sa mga programa ng NCMF.
Pangunahing popondohan dito ang Project on Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) na P192 Million; Traditional Madrasah Development Program na P64.44 million; Shari’ah Training na P4.2 million; Domestic Halal Development na P55.9 million; at P21.6. million para sa operasyon ng 11 NCMF Regional Offices.
Hinikayat din ni Hataman ang mga kasamahang kongresista na tulungan din siya na makahingi ng alokasyon sa NCMF upang mapondohan ang mga mahahalagang programa na makakapigil sa umiiral na karahasan sa ilang lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Hindi naaprubahan ngayong 2019 budget ang ilan sa mga programa ng NCMF kaya nakikiusap ang kongresista na maipaloob ito sa pondo ng susunod na taon.
Naniniwala si Hataman na kung sasabayan ang efforts ng gobyerno sa paglaban sa extremism sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga mahahalagang programa ng NCMF ay tiyak na maiiwasan ang pag-anib at pagrerecruit sa mga kabataan na sumali sa mga terrorists groups.