Nangangamba si De Lima na isang sindikato na may operasyon sa loob ng New Bilibid Prisons ang nasa likod ng pagpatay kay Traya.
Naniniwala ang senadora na itinumba si Traya dahil sa mga nalalaman nitong ‘hokus pokus’ sa records ng mga preso.
Aniya maaring pinatahimik na si Traya dahil sa pangamba ng sindikato ‘ikanta’ nito ang kanyang nalalaman ukol sa ibinunyag na GCTA for sale scam.
Pinatay si Traya noong Agosto 27, ilang araw matapos maisapubliko ang maagang paglaya dapat ni dating Mayor Antonio Sanchez dahil sa GCTA.
Dagdag pa ni De Lima, ang iskandalo ukol sa GCTA at pagpatay kay Traya ay patunay na malalim ang operasyon ng sindikato sa loob ng pambansang piitan.