Sakay ng Cargo Vessel na Golden Ray ang mga crew na kinabibilangan ng 6 na South Koreans, 13 Filipino at 1 American pilot.
Ibinahagi sa Twitter ng US Coast Guard Southeast ang mga video at larawan ng ginawang pagsagip sa mga crew.
Na-trap ng ilang oras ang mga crew sa loob ng tumagilid na barko at apat sa kanila ay inabot ng 35 oras sa pagkakaipit sa loob nang walang pagkain at inumin.
Nasira ang Golden Ray at unti-unting tumagilid sa St. Simons Sound malapit sa Brunswick sa Georgia.
Na-trap ang nasabing crew sa glass panel ng barko sa engineering control room kaya hindi siya agad nailabas.
Nangamba pa si USCG Captain John Reed dahil sa sobrang init ng temperatura na umabot sa 49 degrees Celsius at mas maari aniyang mas mainit pa ang temperatura sa loob ng barko.
Binutasan ng mga rescuer ang massive hull ng barko para makapagpasok muna ng pagkain at tubig at saka isa-isang inilabas ang mga na-trap na crew.
Ang huling crew ay nailabas alas 6:00 ng umaga ng Martes oras sa Pilipinas.
Agad dinala sa ospital ang mga nailigtas na crew.
Inaalam na kung ano ang naging dahilan ng pagtagilid ng barko.