Ito ay bunsod ng pag-ulang nararanasan sa lalawigan simula pa kahapon, araw ng Lunes.
Maliban sa tubig-baha, may mga puno ring nagtumbahan at humambalang sa kalsada.
Agad namang nagtalaga ng mga tauhan ang Hermosa Police station para masigurong agad matutulungan ang mga residenteng kailangang lumikas.
Sa larawang ibinahagi ng Hermosa Police sa ibang mga lugar ay kinailangang gumamit ng bangka ng mga residente dahil sa mataasna tubig-baha.
Una nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng monsoon rains ang Central Luzon at kasama dito ang Bataan.
READ NEXT
Mayor Isko Moreno nag-ala “Doctor Strange” para sa Marvel Theme birthday party ng bunsong anak
MOST READ
LATEST STORIES