Tatlo patay sa pamamaril sa isang bahay sa The Netherlands

Patay ang tatlong katao habang malubhang nasugatan ang isa pa sa pamamaril sa Dutch City na Dordrecht.

Sa ulat ng Dutch newspaper na “Telegraaf”, isang pulis ang binaril ang mga miyembro ng kaniyang pamilya at saka binaril din ang kaniyang sarili.

Wala pa namang malinaw na detalye na inilalabas ang pulisya hinggil sa insidente.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa bahay kung saan naganap ang pamamaril.

Read more...